Thursday, December 9, 2010

Wow Mali


Nag aagaw ang liwanang at dilim. Ang katawan ko’y paralisado. Parang may isang mabigat na kung ano ang dumadagan sa akin. Masakit. Mahirap. Ang mga tunog ng baril at pagsabog ng bomba ang aking naririnig. Mga sigaw at hikbing pagmamakaawa. Gusto ko nang gumising. Gusto kong bumangon. Pero isang malaking hadlang ang kadenang napulupot sa akin. Nagdadagdag ng hirap. Isang panaginip? O katotohanang sinang ayunan ng oras?
“Salamat Biyernes na!” tanging boses ni Delo ang nangibabaw sa loob ng klase, na akmang nag inat habang ang lahat, abala sa pagrereview.
“Pre, piniiral mo na namn katamaran mo” kantyaw ng katabi nitong nasa bandang kaliwang lalaki na ngumunguya ng tila walang lasa na bubble gum. Maaninag mo sa kanya ang kasigaan dahil sa mukha nitong parang pinanglaban kay Pacquiao. Sya si Basti, ang pangulo ng inuman sa buong kampus.
“Sus, Dre inuman na lang tayo!” Bulong ng isang lalaki pa ulit sa bandang kaliwa na parang may sinusundot na kung anu sa ilong. Si Mark. Hari sa kompyuter at porno. Lahat ng teknik, alam.
“Tara!” Sigaw ni Basti na atat sa nasabing pang aanyaya.
Napalakas ang kaninang bulungan at tawanan.
“Shhh…” Senyas ng isang nasa harapan. Nakasalamin ng makapal at naka oil ang buhok na tila walang makaliligtas na kuto. Si Jun. Ang halimaw ng lahat ng subject. Halos lahat na ata nang itanung mo, alam nya at idedetalye ang lahat. Para bang nasa pluto sya at ipapaliwanang nya kung paanu sya nakarating dun. Ang nanlilisik nyang maatang tila naduduling ang lalong nagpalakas ng tawanan.
“Tara na! 15 minutes na wala pa si sir!” Sigaw muli ni Basti, pero sa ngayon ganap na malakas at umalingawngaw sa buong silid. Bakas sa kanya ang pananabik sa nasabing inuman.
Sabay sabay tumayo ang tatlo tangan ang iisang notebook kung saan lahat ng subject ay napagsama-sama. Naglakad sila palabas ng kampus na lahat ng madadaanang mata at nakatuon kay Delo. Porket gwapo at mayaman, madali siyang nakilala ng mga estudyante. “Kung hindi lang sya siguro naimpluwensyahan.” Bulong ng isa.
Bago pa man makalabas ng gate isang…
“Prrrttt….” Pito mula sa gawing kanan nila na nagpahinto sa tatlo. Huminto ang na lamang ang tatlo. Sabay ang pagduwal ng malalking blokeng laway ng lalaki.
“Hoy! Anung year mo na? Alam mo bang bawal ang hikaw dito?” Tanung ng nakaunipormeng lalaki. Sabay ang pag hawak sa tenga.
“Syet! Di ko natanggal!” sabi ni Mark. Kinuha na lamang ng naka unipormeng lalaki ang I.D nito kasabay ng nasabing nagliliwanag na dyamante.
Ang kadiliman, unti-unting nagliliwanag kasabay ang unti unting paglakas ng mga ingay. Ingay na nangugulo, nanunukso, nangaasar. Ang kaninag mabigat, unti unting gumaan. Di paman naalis ang mabigat na nakapasan sa aking buong katawan, isang malaking bagay ang tumama sa aking mukha. At isang maalat na likido ang lumuha sa aking bibig. Nagising ako, nagulat, natawa.
Kagabi nagkainuman kami. Di na ako nakauwi sa bahay kung kaya’t nakitulog na lang ako sa bahay nila Mark.. Pinahid ko ang nagdudugong kong labi. Ang lasa ng alak at dugo, nakakdiri. Tumingin ako sa pinanggagalingan ng tunog, ang cellphone ko tuloy pa rin sa pagtunog, mga baril at iba pang karahasan, lumapit ako at tiningnan.
“Putek, Biyernes pa lang pala.”




No comments:

Post a Comment