Thursday, December 9, 2010
Wow Mali
Nag aagaw ang liwanang at dilim. Ang katawan ko’y paralisado. Parang may isang mabigat na kung ano ang dumadagan sa akin. Masakit. Mahirap. Ang mga tunog ng baril at pagsabog ng bomba ang aking naririnig. Mga sigaw at hikbing pagmamakaawa. Gusto ko nang gumising. Gusto kong bumangon. Pero isang malaking hadlang ang kadenang napulupot sa akin. Nagdadagdag ng hirap. Isang panaginip? O katotohanang sinang ayunan ng oras?
“Salamat Biyernes na!” tanging boses ni Delo ang nangibabaw sa loob ng klase, na akmang nag inat habang ang lahat, abala sa pagrereview.
“Pre, piniiral mo na namn katamaran mo” kantyaw ng katabi nitong nasa bandang kaliwang lalaki na ngumunguya ng tila walang lasa na bubble gum. Maaninag mo sa kanya ang kasigaan dahil sa mukha nitong parang pinanglaban kay Pacquiao. Sya si Basti, ang pangulo ng inuman sa buong kampus.
“Sus, Dre inuman na lang tayo!” Bulong ng isang lalaki pa ulit sa bandang kaliwa na parang may sinusundot na kung anu sa ilong. Si Mark. Hari sa kompyuter at porno. Lahat ng teknik, alam.
“Tara!” Sigaw ni Basti na atat sa nasabing pang aanyaya.
Napalakas ang kaninang bulungan at tawanan.
“Shhh…” Senyas ng isang nasa harapan. Nakasalamin ng makapal at naka oil ang buhok na tila walang makaliligtas na kuto. Si Jun. Ang halimaw ng lahat ng subject. Halos lahat na ata nang itanung mo, alam nya at idedetalye ang lahat. Para bang nasa pluto sya at ipapaliwanang nya kung paanu sya nakarating dun. Ang nanlilisik nyang maatang tila naduduling ang lalong nagpalakas ng tawanan.
“Tara na! 15 minutes na wala pa si sir!” Sigaw muli ni Basti, pero sa ngayon ganap na malakas at umalingawngaw sa buong silid. Bakas sa kanya ang pananabik sa nasabing inuman.
Sabay sabay tumayo ang tatlo tangan ang iisang notebook kung saan lahat ng subject ay napagsama-sama. Naglakad sila palabas ng kampus na lahat ng madadaanang mata at nakatuon kay Delo. Porket gwapo at mayaman, madali siyang nakilala ng mga estudyante. “Kung hindi lang sya siguro naimpluwensyahan.” Bulong ng isa.
Bago pa man makalabas ng gate isang…
“Prrrttt….” Pito mula sa gawing kanan nila na nagpahinto sa tatlo. Huminto ang na lamang ang tatlo. Sabay ang pagduwal ng malalking blokeng laway ng lalaki.
“Hoy! Anung year mo na? Alam mo bang bawal ang hikaw dito?” Tanung ng nakaunipormeng lalaki. Sabay ang pag hawak sa tenga.
“Syet! Di ko natanggal!” sabi ni Mark. Kinuha na lamang ng naka unipormeng lalaki ang I.D nito kasabay ng nasabing nagliliwanag na dyamante.
Ang kadiliman, unti-unting nagliliwanag kasabay ang unti unting paglakas ng mga ingay. Ingay na nangugulo, nanunukso, nangaasar. Ang kaninag mabigat, unti unting gumaan. Di paman naalis ang mabigat na nakapasan sa aking buong katawan, isang malaking bagay ang tumama sa aking mukha. At isang maalat na likido ang lumuha sa aking bibig. Nagising ako, nagulat, natawa.
Kagabi nagkainuman kami. Di na ako nakauwi sa bahay kung kaya’t nakitulog na lang ako sa bahay nila Mark.. Pinahid ko ang nagdudugong kong labi. Ang lasa ng alak at dugo, nakakdiri. Tumingin ako sa pinanggagalingan ng tunog, ang cellphone ko tuloy pa rin sa pagtunog, mga baril at iba pang karahasan, lumapit ako at tiningnan.
“Putek, Biyernes pa lang pala.”
Thursday, January 28, 2010
Stories That Are Not Mine
Float inside of my own mind.
These voices in the air
They come from out of nowhere.
They tell me their tall tales
In soft whispers and in wails.
These tales of young and old
And of the meek and of the bold.
Do they speak to me in tongues,
Or is this merely inspiration?
Whatever is the case,
I know I'll never need to chase.
These stories, they'll find me,
Whether real or imaginary.
So, I'll tell you these tall tales,
With their stories, I'll regale.
These legends and their lore,
Tales you've never heard before.
Though, these stories, they're not mine,
I'll gladly share them, anytime!
Poem of Music
That, when firmly pressed,
Can scream and soar and sing.
Four tightly pulled lines
That, when softly bowed,
Can lightly whisper and rhyme.
Four tightly drawn cords
That, when rightly played,
Can lift the soul upward!
My Direction
And where am I going?
Some days I think
I have no way of knowing.
Where am I at?
And how did I get here?
Some days I can't
Even remember, I fear.
What did I want
When I was much younger,
Burning with passion,
And all of that hunger?
What did I love
When I was that child,
Running reckless and free,
An un-tamed spirit, wild?
What did I say
When I spoke from the heart,
Before I knew the world
And how that it can hurt?
What could I do
When I was so much stronger,
When I was so swift
And could last so much longer?
What did I treasure
When I could defend,
When I was so fierce
And my wounds easily mended?
What did I lose,
When I mislaid my plan?
I think I remember,
I will find my way again.
Wednesday, January 27, 2010
Tula sa Panibagong Hamon
Naririnig ko ang tunog ng orasan
Ala-una na halos ng umaga
Ako ay gising na gising pa,
samantalang
ang aking isip ay gusto
na lumikha ng isang tula
Maihahantulad sa lungkot
na minsanan lang
kung maramdaman.
Ganito nga ba
ang nag-iisa?
Hirap sa tulog,
wari bang
balisa
at
di-mapakali…
Kay tagal
ko
na
rin
mula ng huli akong
gumawa
ng
isang tula.
Pagsisikapan ko
na
ngayon
ang
aking
pagsulat.
Para lamang
sa
aking
katinuan.
Monday, January 25, 2010
PILI-pino
Nakapanuod ako ng isang TV program. Ang kanilang topic ay kung kaya ba ng mga kabataan ngayon ang maging isang Ninoy. Tinalakay ang kasaysayan ni Ninoy at sinariwa ang kaniyang magaganda at makabuluhang mga talumpati. At dahil sa Reality Show iyon, kumukuha sila ng mga opinyon sa mga kabataan tungkol sa topic (dati kasi debate ang format nila). May mga tumatak na sa opinyon sa akin mula sa kapwa ko kabataan.
Tanong: Handa ka bang mamatay para sa bayan?
Maga sagot na tumatak sa akin ( edited na kasi hindi ku saulado yung mga sinabi nila.)
Girl 1: Hindi. Kung sana worth ng buhay ko yung mga pilipino, sige lang. Pero hindi worth ang mga pilipino na ikamatay.
Girl 2: Hindi meron namang ibang willing mamatay para sa bayan, edi sila nalang. Kanya-kanya lang yan.
At ang favorite ko:
Girl 3: Hindi. Para naman akong baliw para mamatay para sa bayan.
Complete the sentence: Kung buhay pa si Ninoy...
Girl 1: Kung buhay pa si Ninoy, edi wala din. Hindi lang naman si Ninoy ang kailangan gumalaw para sa bayan. Kailangan tayong lahat, kailangan may pagkakaisa tayong lahat.
Nakakatawa ngunit may kabuluhan bawat opinyon ng mga kabataan. Nakakatawa kasi napaka-honest nila sa kanilang mga sagot at kahit na mababaw ang sagot nila ay kung papakinggan at susuriin mong mabuti ay may kabuluhan.
Turn ko na para sumagot sa dalawang tanong.
Tanong: Handa ka bang mamatay para sa bayan?
Sagot ko: Hindi din. May ibang paraan para pag silbihan ang bayan. Meron pang ibang pwedeng gawin para makadulot ng pagbabago. Hindi na uso ngayon ang mga firing squad para maging bayani. Hindi na uso na ibuwis ang buhay para igawa ka ng rebulto at isulat sa History Books.Tama ang isang manunulat na nabasa ko, “Hindi ako naniniwala sa Ako Mismo, Panatang Makabayan nga hindi natin masunod Ako Mismo pa. Sundin muna natin ang Panatang Makabayan, ayos na ang lahat.” Naniniwala ako ang simpleng hindi pagtatapon ng balat ng kendi sa kung saan, malaki na ang mgagawa sa ating bansa.
Complete the sentence: Kung buhay pa si Ninoy...
Sagot ko: Kung buhay pa si Ninoy, malamang isa syang politiko. Hindi ko alam kung magiging magaling siyang politiko at kung magiging isa lamang Corruptioner (sarili kong Dictionary). Sigurado kung buhay pa sya, hindi pa rin democratic country ang pilipinas at hanggang ngayon ay nakikipaglaban pa rin tayo sa diktadorya ng pamilyang Marcos. Siguro kung buhay pa si Ninoy, mayaman parin ang mga Marcos. At kung buhay pa si Ninoy, iba ang nakasulat sa aklat at Sibika at Kultura.
May iniwang pang tanong ang programa na talagang mapapaisip ka, “If you love the country, can you also love the people of the country?
Oo nga naman, kung mahal mo ang bansa mo, dapat tanggapin mo lahat dito. Kasama na dito ang mga drug lords, Corruptioner, magnanakaw, manloloko, mamamatay tao, matatabang kotong Cops, nananamantala ng kapwa, pilipino, mabibilis ba driver sa EDSA, mga ayaw magpa graduate na propesor, mga rapist, mga Ampatuan, magulang na nag aabuso ng anak, celebrity na nagsabing “Teachers were just repeaters ,“ mga taong sinisisi kay Gloria ang kanilang paghihirap, at maduduming katauhan ng pilipino.
Sabi ni Erap: “ Hindi dapat love for god, love for family at love for country. Dapat love for god, love for country at love for family.
Tama nga ba ang sinabi nya?
Kung mas mamahalin mo pa ang bansa kesa sa pamilya mo, tama ba ito?
Kung ikaw ay construction worker, maghihirap ka ba magtipak ng bato, maghalo ng semento at magbuhat ng bakat para maging bayani at ibigay sa charity work ang iyong sweldo samantalang ang asawa at ang mga anak mo ay nagugutom at walang matinong masilungan?
Kung ikaw ba ay nagtitinda ng taho, maglalakad ka ba sa gitana ng init ng araw, magpapakapaos kakasigaw ng tinitindag taho, sago, arnibal at ibibigay ang kinita mo buong araw para sa pagbibigay ng relief goods sa mga mahihirap kung ikaw mismo ay walang makitang kaginhawaan sa buhay?
Madami pa akong naiisip na halimbawa pero wag na lang, kasi masyadong na akong seryoso at masyado siyang madami at hindi na healthy na sabihin. Naipahiwatig ko na rin naman ang gisto kong iparating at ang aking opinyon. Madami ngayon ang makabayan “daw.” May suot na damit na may bandila ng Pilipinas at 3 star and a sun, maraming nakipaglibing at nakidalamhati kay tita Cory, pero totoo nga bang mahal nila ang pilipinas at pinagmamalaki nila ang pagiging pilipino o isa silang PILI-pino(pinipili lang ang minamahal at pinagmamalaki).
Ikaw
Hindi ko maaabot ang buwan,
kahit halos isang dangkal lamang ang layo nito.
Hindi mapapasaakin ang kanyang ngiti,
kahit gaano man ito katamis.
At kahit gaano ko man ito inaasam.
patuloy akong magtatago sa kawalan
kahit naaaninag ko ang kanyang liwanag
sapagkat habang nararamdaman kong
naglalaro ang mga paru-paro sa aking hinagap
ay nagluluksa naman ang aking diwa.
at kung sa guhit man ng tadhana
ay makaduapang palad ko ang kanyang pilikmata,
ngingiti lamang ako.
sapagkat natatalos kong hindi siya mapapasakin
dahil nakatali na siya sa langit.
