Monday, January 25, 2010

PILI-pino

Nakapanuod ako ng isang TV program. Ang kanilang topic ay kung kaya ba ng mga kabataan ngayon ang maging isang Ninoy. Tinalakay ang kasaysayan ni Ninoy at sinariwa ang kaniyang magaganda at makabuluhang mga talumpati. At dahil sa Reality Show iyon, kumukuha sila ng mga opinyon sa mga kabataan tungkol sa topic (dati kasi debate ang format nila). May mga tumatak na sa opinyon sa akin mula sa kapwa ko kabataan.

Tanong: Handa ka bang mamatay para sa bayan?

Maga sagot na tumatak sa akin ( edited na kasi hindi ku saulado yung mga sinabi nila.)

Girl 1: Hindi. Kung sana worth ng buhay ko yung mga pilipino, sige lang. Pero hindi worth ang mga pilipino na ikamatay.

Girl 2: Hindi meron namang ibang willing mamatay para sa bayan, edi sila nalang. Kanya-kanya lang yan.

At ang favorite ko:

Girl 3: Hindi. Para naman akong baliw para mamatay para sa bayan.

Complete the sentence: Kung buhay pa si Ninoy...

Girl 1: Kung buhay pa si Ninoy, edi wala din. Hindi lang naman si Ninoy ang kailangan gumalaw para sa bayan. Kailangan tayong lahat, kailangan may pagkakaisa tayong lahat.

Nakakatawa ngunit may kabuluhan bawat opinyon ng mga kabataan. Nakakatawa kasi napaka-honest nila sa kanilang mga sagot at kahit na mababaw ang sagot nila ay kung papakinggan at susuriin mong mabuti ay may kabuluhan.

Turn ko na para sumagot sa dalawang tanong.

Tanong: Handa ka bang mamatay para sa bayan?

Sagot ko: Hindi din. May ibang paraan para pag silbihan ang bayan. Meron pang ibang pwedeng gawin para makadulot ng pagbabago. Hindi na uso ngayon ang mga firing squad para maging bayani. Hindi na uso na ibuwis ang buhay para igawa ka ng rebulto at isulat sa History Books.Tama ang isang manunulat na nabasa ko, “Hindi ako naniniwala sa Ako Mismo, Panatang Makabayan nga hindi natin masunod Ako Mismo pa. Sundin muna natin ang Panatang Makabayan, ayos na ang lahat.” Naniniwala ako ang simpleng hindi pagtatapon ng balat ng kendi sa kung saan, malaki na ang mgagawa sa ating bansa.

Complete the sentence: Kung buhay pa si Ninoy...

Sagot ko: Kung buhay pa si Ninoy, malamang isa syang politiko. Hindi ko alam kung magiging magaling siyang politiko at kung magiging isa lamang Corruptioner (sarili kong Dictionary). Sigurado kung buhay pa sya, hindi pa rin democratic country ang pilipinas at hanggang ngayon ay nakikipaglaban pa rin tayo sa diktadorya ng pamilyang Marcos. Siguro kung buhay pa si Ninoy, mayaman parin ang mga Marcos. At kung buhay pa si Ninoy, iba ang nakasulat sa aklat at Sibika at Kultura.

May iniwang pang tanong ang programa na talagang mapapaisip ka, “If you love the country, can you also love the people of the country?

Oo nga naman, kung mahal mo ang bansa mo, dapat tanggapin mo lahat dito. Kasama na dito ang mga drug lords, Corruptioner, magnanakaw, manloloko, mamamatay tao, matatabang kotong Cops, nananamantala ng kapwa, pilipino, mabibilis ba driver sa EDSA, mga ayaw magpa graduate na propesor, mga rapist, mga Ampatuan, magulang na nag aabuso ng anak, celebrity na nagsabing “Teachers were just repeaters ,“ mga taong sinisisi kay Gloria ang kanilang paghihirap, at maduduming katauhan ng pilipino.

Sabi ni Erap: “ Hindi dapat love for god, love for family at love for country. Dapat love for god, love for country at love for family.

Tama nga ba ang sinabi nya?

Kung mas mamahalin mo pa ang bansa kesa sa pamilya mo, tama ba ito?

Kung ikaw ay construction worker, maghihirap ka ba magtipak ng bato, maghalo ng semento at magbuhat ng bakat para maging bayani at ibigay sa charity work ang iyong sweldo samantalang ang asawa at ang mga anak mo ay nagugutom at walang matinong masilungan?

Kung ikaw ba ay nagtitinda ng taho, maglalakad ka ba sa gitana ng init ng araw, magpapakapaos kakasigaw ng tinitindag taho, sago, arnibal at ibibigay ang kinita mo buong araw para sa pagbibigay ng relief goods sa mga mahihirap kung ikaw mismo ay walang makitang kaginhawaan sa buhay?

Madami pa akong naiisip na halimbawa pero wag na lang, kasi masyadong na akong seryoso at masyado siyang madami at hindi na healthy na sabihin. Naipahiwatig ko na rin naman ang gisto kong iparating at ang aking opinyon. Madami ngayon ang makabayan “daw.” May suot na damit na may bandila ng Pilipinas at 3 star and a sun, maraming nakipaglibing at nakidalamhati kay tita Cory, pero totoo nga bang mahal nila ang pilipinas at pinagmamalaki nila ang pagiging pilipino o isa silang PILI-pino(pinipili lang ang minamahal at pinagmamalaki).


No comments:

Post a Comment