Thursday, July 14, 2011

Sa Eskina

Nasa gilid
Ng kalsada. Nagmamakaawa

Sa mga taong nakapaligid

Sa kanya. Naghihintay

Kung kailan maririnig

Ang taginting ng piso

Sa hawak niyang baso.


Nasa sulok

Ng kalsada. Nag-aabang

Kung sino ang aalok

Ng grasya. Nagmamasid

Sa paligid kahit inaantok

Na sa paghinga

Ng hinihinging awa.


Di alam kung saan hahalungkatin,

Walang naturo kung pa’no kakahigin

Ang lalamunin.

Kaya nagtiis na lang na abutan

Ng abuloy at kawaan.


Iyong madadaanan

Ang kanyang tahanan

Sa eskina

Masisilayan mo siya.