Thursday, July 14, 2011

Sa Eskina

Nasa gilid
Ng kalsada. Nagmamakaawa

Sa mga taong nakapaligid

Sa kanya. Naghihintay

Kung kailan maririnig

Ang taginting ng piso

Sa hawak niyang baso.


Nasa sulok

Ng kalsada. Nag-aabang

Kung sino ang aalok

Ng grasya. Nagmamasid

Sa paligid kahit inaantok

Na sa paghinga

Ng hinihinging awa.


Di alam kung saan hahalungkatin,

Walang naturo kung pa’no kakahigin

Ang lalamunin.

Kaya nagtiis na lang na abutan

Ng abuloy at kawaan.


Iyong madadaanan

Ang kanyang tahanan

Sa eskina

Masisilayan mo siya.

Sunday, June 12, 2011

Sa Huwad na Kaunlaran

Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha
Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
Ang bandilang sagisag moy lukob ng dayong bandila.
Pati wikang minana moy busabos ng ibang wika,
Ganito ring araw nang agawan ka ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila.

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,
Sa libingan ng maliit, ang malakiy may libangan;
Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang.

Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!

May araw ding ang luha moy masasaid, matutuyo,
May araw ding di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo.

Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikalay lalagutin mo ng punglo!

-Ka Amando

Sunday, May 15, 2011

24/7

You know a fine day when it happens. For example the trill

of that tentative squint on an unusually bright morning,

when you suddenly remember the window shutters. Done for.

Also, at the local supermarket, trying to straighten out

the list, you seem like a regular guy. Nothing fancy

but the need to figure out which onions—size, skin,

whatnot. And you forego the memory of the octogenarian

you saw on television, wearing skimpy clothing and doing

cartwheels, like there’s a lot to hope for suddenly, like

you’re learning anew the sections of a small room,

and the round bulbs on the kitchen table,

little light left, the night coming.

Thursday, December 9, 2010

Wow Mali


Nag aagaw ang liwanang at dilim. Ang katawan ko’y paralisado. Parang may isang mabigat na kung ano ang dumadagan sa akin. Masakit. Mahirap. Ang mga tunog ng baril at pagsabog ng bomba ang aking naririnig. Mga sigaw at hikbing pagmamakaawa. Gusto ko nang gumising. Gusto kong bumangon. Pero isang malaking hadlang ang kadenang napulupot sa akin. Nagdadagdag ng hirap. Isang panaginip? O katotohanang sinang ayunan ng oras?
“Salamat Biyernes na!” tanging boses ni Delo ang nangibabaw sa loob ng klase, na akmang nag inat habang ang lahat, abala sa pagrereview.
“Pre, piniiral mo na namn katamaran mo” kantyaw ng katabi nitong nasa bandang kaliwang lalaki na ngumunguya ng tila walang lasa na bubble gum. Maaninag mo sa kanya ang kasigaan dahil sa mukha nitong parang pinanglaban kay Pacquiao. Sya si Basti, ang pangulo ng inuman sa buong kampus.
“Sus, Dre inuman na lang tayo!” Bulong ng isang lalaki pa ulit sa bandang kaliwa na parang may sinusundot na kung anu sa ilong. Si Mark. Hari sa kompyuter at porno. Lahat ng teknik, alam.
“Tara!” Sigaw ni Basti na atat sa nasabing pang aanyaya.
Napalakas ang kaninang bulungan at tawanan.
“Shhh…” Senyas ng isang nasa harapan. Nakasalamin ng makapal at naka oil ang buhok na tila walang makaliligtas na kuto. Si Jun. Ang halimaw ng lahat ng subject. Halos lahat na ata nang itanung mo, alam nya at idedetalye ang lahat. Para bang nasa pluto sya at ipapaliwanang nya kung paanu sya nakarating dun. Ang nanlilisik nyang maatang tila naduduling ang lalong nagpalakas ng tawanan.
“Tara na! 15 minutes na wala pa si sir!” Sigaw muli ni Basti, pero sa ngayon ganap na malakas at umalingawngaw sa buong silid. Bakas sa kanya ang pananabik sa nasabing inuman.
Sabay sabay tumayo ang tatlo tangan ang iisang notebook kung saan lahat ng subject ay napagsama-sama. Naglakad sila palabas ng kampus na lahat ng madadaanang mata at nakatuon kay Delo. Porket gwapo at mayaman, madali siyang nakilala ng mga estudyante. “Kung hindi lang sya siguro naimpluwensyahan.” Bulong ng isa.
Bago pa man makalabas ng gate isang…
“Prrrttt….” Pito mula sa gawing kanan nila na nagpahinto sa tatlo. Huminto ang na lamang ang tatlo. Sabay ang pagduwal ng malalking blokeng laway ng lalaki.
“Hoy! Anung year mo na? Alam mo bang bawal ang hikaw dito?” Tanung ng nakaunipormeng lalaki. Sabay ang pag hawak sa tenga.
“Syet! Di ko natanggal!” sabi ni Mark. Kinuha na lamang ng naka unipormeng lalaki ang I.D nito kasabay ng nasabing nagliliwanag na dyamante.
Ang kadiliman, unti-unting nagliliwanag kasabay ang unti unting paglakas ng mga ingay. Ingay na nangugulo, nanunukso, nangaasar. Ang kaninag mabigat, unti unting gumaan. Di paman naalis ang mabigat na nakapasan sa aking buong katawan, isang malaking bagay ang tumama sa aking mukha. At isang maalat na likido ang lumuha sa aking bibig. Nagising ako, nagulat, natawa.
Kagabi nagkainuman kami. Di na ako nakauwi sa bahay kung kaya’t nakitulog na lang ako sa bahay nila Mark.. Pinahid ko ang nagdudugong kong labi. Ang lasa ng alak at dugo, nakakdiri. Tumingin ako sa pinanggagalingan ng tunog, ang cellphone ko tuloy pa rin sa pagtunog, mga baril at iba pang karahasan, lumapit ako at tiningnan.
“Putek, Biyernes pa lang pala.”




Thursday, January 28, 2010

Stories That Are Not Mine

Stories that are not mine
Float inside of my own mind.

These voices in the air
They come from out of nowhere.

They tell me their tall tales
In soft whispers and in wails.

These tales of young and old
And of the meek and of the bold.

Do they speak to me in tongues,
Or is this merely inspiration?

Whatever is the case,
I know I'll never need to chase.

These stories, they'll find me,
Whether real or imaginary.

So, I'll tell you these tall tales,
With their stories, I'll regale.

These legends and their lore,
Tales you've never heard before.

Though, these stories, they're not mine,
I'll gladly share them, anytime!

Poem of Music

Four tightly strung strings
That, when firmly pressed,
Can scream and soar and sing.

Four tightly pulled lines
That, when softly bowed,
Can lightly whisper and rhyme.

Four tightly drawn cords
That, when rightly played,
Can lift the soul upward!

My Direction

What is my life?
And where am I going?
Some days I think
I have no way of knowing.

Where am I at?
And how did I get here?
Some days I can't
Even remember, I fear.

What did I want
When I was much younger,
Burning with passion,
And all of that hunger?

What did I love
When I was that child,
Running reckless and free,
An un-tamed spirit, wild?

What did I say
When I spoke from the heart,
Before I knew the world
And how that it can hurt?

What could I do
When I was so much stronger,
When I was so swift
And could last so much longer?

What did I treasure
When I could defend,
When I was so fierce
And my wounds easily mended?

What did I lose,
When I mislaid my plan?
I think I remember,
I will find my way again.